Nililikha ng tao ang sariling katatakutan:
Gabi.
Mga bintanang sarado, sinasalamin ang laman ng bahay.
Pagtalikod ko’y
May mga mukhang nakapagkit sa salamin
Mula sa labas.
Sa loob ng sasakyang
Bumabaybay sa malubak na daang
Humihiwa sa pisngi ng bundok ng aming ili
Maririnig. Ay sinu ka?
Mauulinig. I-adsina ka? Intu nan nagapwam?
Pumipintig. Adik getken sik-a.
Ang gabi…Adi daka mairupaan…
Ang gubat…Ay umegyat ka?
at napahalukipkip ako’t Kaeegyat-ak ngata wenno
di makadungaw sik-a nan umegyat
sa labas. isnan aliwen mu?
Bitbit sila ng hanging
Malamig at sabog sa dagta ng punong pino
Nasa paligid…
Habang nakaiwas ang paningin
Sa bintana ng sasakyan
May mga nananalaming
Nakatitig sa akin.
Ipininid mga talukap ng mata
Dahil ayaw kong bumulaga
Ang kababalaghang
Kumakatok sa bintana.
__________________________________
Gabi.
Mga bintanang sarado, sinasalamin ang laman ng bahay.
Pagtalikod ko’y
May mga mukhang nakapagkit sa salamin
Mula sa labas.
Sa loob ng sasakyang
Bumabaybay sa malubak na daang
Humihiwa sa pisngi ng bundok ng aming ili
Maririnig. Ay sinu ka?
Mauulinig. I-adsina ka? Intu nan nagapwam?
Pumipintig. Adik getken sik-a.
Ang gabi…Adi daka mairupaan…
Ang gubat…Ay umegyat ka?
at napahalukipkip ako’t Kaeegyat-ak ngata wenno
di makadungaw sik-a nan umegyat
sa labas. isnan aliwen mu?
Bitbit sila ng hanging
Malamig at sabog sa dagta ng punong pino
Nasa paligid…
Habang nakaiwas ang paningin
Sa bintana ng sasakyan
May mga nananalaming
Nakatitig sa akin.
Ipininid mga talukap ng mata
Dahil ayaw kong bumulaga
Ang kababalaghang
Kumakatok sa bintana.
__________________________________
Pagsasalin: Sino ka? Taga-rito ka ba? Saan ka nagmula? Hindi kita kilala…hindi kita mamukhaan. Natatakot ka ba? Katakut-takot ba ako o ikaw lang ang tinatakot ng sarili mong anino?
No comments:
Post a Comment